Monday, October 26, 2009

SEMBREAK! :D

wooooooooooooooooh. pagkatapos ng lahat ng paghihirap na dinanas ko nung first sem, eto na ang hinahanap-hanap ng lahat. ang sembreak, na two weeks lang.

eh ano ngayon kung two weeks? buti nga may sembreak pa rin. haha! masaya ako at makakapag-pahinga ako at makakapag-alone time. :D

sa ngayon, iniisip kong sulitin ang sembreak ko.

manonood ng series, ayusin ang choir activities, and others. haha! :))

anyway, will update this blog this sembreak too.

soooo, expect more posts.

hanggang sa muli, masusugid na mambabasa. :)

Saturday, October 3, 2009

unexpected vacation. :)

an unexpected vacation.

natutuwa naman ako, sa hindi ko inaasahang bakasyon kasama ang aking pamilya. tamang-tama nga ang bakasyon dahil dumating ang mga kamag-anak ko galing states. very good timing.

pero, on the contrary, mukhang masama naman ang lagay ko sa school.

unang-una, naipon lahat ng quizzes namin. acutally hindi na namin siya matetake dahil after ng week na ito, finals na namin. so wala ng panahon para bumawi pa. pucha, hindi ko na nga alam kung saan huhugutin yung mga grades namin.

pangalawa, ang daming major activities na pinapagawa samin, na naipit rin at naipon ngayong week. ang seminar namin sa isa kong major, ang lecture forum namin at thesis defense sa thursday classes namin, at reader's theater at photo exhibit sa friday class namin. wooh. hindi namin alam kung paano namin to gagawin. at kahit ay nawawala na rin sa sarili sa tuwing naiisip ko ang mga ito. waaaaaaaaaaaaaah.

pangatlo, there would be a possibility that our sembreaks would be shortened, or, mawalan na kami ng sembreak. boo, dahil sa mga nangyayari, hindi ko alam kung matutuwa ako, o malulungkot. haay.

on the brighter side, im enjoying my stay with my grandparents. ang saya lang. :)

another thing: may cable rito! at nakakanood ako ng animax, velvet, etc, axn and others. haha! napakasaya rito.

anyway, hanggang dito na lang muna.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)