ang sakit ng ulo ko ngayon. may H1N1 virus na ata ako, sana naman hindi.
pero, marami talaga akong pinag-iisipan ngayon eh. nakakaloka. wala nga naman akong pasok, frustrated naman ako. haay.
minsan, kailangan ko lang isipin ko ano ang dapat kong i-prioritize. pag alam ko na kung ano ang dapat kong i-prioritize, magiging masaya na ang buhay. kaso, minsan kasi hindi rin. kailangan talaga ng paninindigan sa lahat ng gusto mo. yun siguro ang tunay na magbibigay sayo ng kalinawan sa buhay.
still enjoying the extended vacation, kaso wala namang kwenta. dahil sa nakakairitang ulan. napipigilan akong lumabas, mag-lakwatsa, at kung ano-ano pang outdoor. haay. mas nakakabagot tuloy, hindi ko ma-enjoy yung pampahaba ng bakasyon ko. pero, dahil sa ulan, hindi na rin masyadong mainit. lumalamig na, at mas masarap pa matulog. weee. sana, tumigil na ang ulan.
haay. minsan, iniisip ko na dapat hindi ako umaasa. umasa sa kahit anong bagay. dahil sa totoo lang, hindi ko naman makukuha yun. hindi rin naman ako napagbibigyan. oh well.
hanggang sa muli, masugid na mambabasa.:)