Tuesday, July 29, 2008

ranting.

medyo maaga akong dumating sa school. before 7am.

and soo, i decided to satisfy my self. i went to dapitan, came in to my favorite net cafe and surfed the net.

nothing special happened. just listened and watched to my favorite videos at youtube..

checked my accounts in friendster and multiply.

it was quite ordinary. kasi, oo, normal ko na xiang ginagawa, as in like, everyday, simula ng gumawa ako ng sarili kong account sa friendster, sa multiply at sa youtube...

ganun na lang palagi ang ginagawa ko.

then, i decided to read some books at the library with my friend, Trish..

i decided to read something about architecture, and chinese philosophy and arts..

naaliw ako, pero hindi naman ako natuwa..

ewan ko, i find this day very ordinary.

kasi, parati na lang akong nag-iinternet. nakaharap sa computer.

lagi na lang akong nagpupunta sa library, nag-aaral, nagbabasa.

lagi na lang akong umiintindi sa mga leksyon ng guro..

nakikisama sa mga kaibigan..

nakikipagplastikan...

minsan. iniisip ko. tama na gian. magpakatotoo ka na.

magpakatotoo.

wag ng magpatumpik-tumpik pa..

napapagod ka rin sa mga ginagawa mo, tao ka. may karapatan kang mapagod.

may karapatan kang magsawa, kasi lagi mo naman ginagawa ang mga dapat gawin ng isang tao, magsasawa't magsasawa ka rin.

but then again..

hanggang kailan ko pa ito gagawin??

kung ngayon pa ako magsasawa, ano nang mangyayari sakin?

hindi ako uurong. titigil lang ako. hindi na uusog at mapag-iiwanan ng panahon.

hindi naman pwede yun.

ganito ang hinahanap ng mga ordinaryong taong tulad ko.

lahat na lang bagay normal, lahat na lang ng bagay, posibleng gawin.

naghahanap sila ng kakaiba, mga walang katulad na bagay.

gagawin nila yun, iisiping makakaya nila..

at pag nakaya nila, matutuwa sila, hindi na sila magiging ordinaryo..

ngunit, pano nila to magagawa? kung pare-pareho na lang palagi ang gagawin nila?

hindi ba sila pwedeng mag-try ng ibang bagay, na kaya nilang gawin?

gusto namin maging extra-ordinaryong tao. na kayang gumawa ng mga extra-ordinaryong bagay. mga bagay na hindi kaya ng ibang tao.

ngunit, hindi mo naman kailangan gumawa ng kung anuman.

extra-ordinary ka na sa isang bagay, na alam kong hindi alam ng iba.

ako. i am extra-ordinary in my own ways and ideas.

wow. that phrase kinda cracked me up.

think positive.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Thursday, July 24, 2008

i am but a person.

after 10 milleniums, i am back.

and i do not want to say, that i have been better, or i have been stronger. whatever.

ang daming nangyari habang ako ay nananahimik, at minabuti ko na lang hindi ito ikwento sa inyo dahil ayokong maging MMK o kaya naman Magpakailanman ang tema ng aking blog entry. pero magbibigay ako ng insights. haha!

i just conquered my problems, made myself immune to pain, sorrow, and hatred.

made myself busy to school, focused on other things, and forgot that, meron pa pala akong blog.

anyway, it's good to be back. and i hope this is for good.

sa matagal kong pananahimik, maraming ideya ang gumulo sa aking isipan, lagi silang sumasagi sakin..

hindi ako mapakali minsan, lagi akong natutululiro sa tuwing naiisip ko ang mga sipi ng ideyang nagsasayang ng oras ko.

pero, kahit papaano, na-overcome ko rin ito, at eto ako ngayon. bumabalik sa pagtatayp sa harap ng kompyuter. ipinamamahagi sa inyo ang isang bahagi ng aking isipan.

tao rin naman ako. nakakaramdam ng sakit. ng hapdi sa damdamin. nalulungkot, naiiyak.

kahit na ang alam ng iba ay masayahin akong tao, malakas, walang inuurungang laban.

ngunit, sa kabila ng aking maliliwanag na ngiti mula sa aking labi, ay may isang damdaming nagsusumidhing sumigaw at gustong ilabas lahat ng sama ng loob sa mundo.

tao rin naman ako. kaya ko napagdesiyunan gumawa ng blog na maglalaman lahat ng aking iniisip, mga sarili kong ideya at konsepto, para dito ibuhos ang aking saloobin at opinyon sa mga konsepto ng buhay, na hindi ko nagawa, at ginawa.

i am but a person, because i still have a broader view ahead of me. a broader view to explore and to discover.

hindi ko na pwedeng palagpasin pa ang pagkakataong ito. hello world, i am back! :D

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Friday, July 4, 2008

how's school?

nakalimutan ko ng ikwento sainyo yung nangyari sakin nung first day, and the first month dahil sa kadahilanang:
- hindi pumasok agad ang mga professors..
- nakakatamad.
- nakakatamad.
at
- nakakatamad.

anyway, after few weeks, nakumpleto rin ang mga professors ko..
sa aking MWF schedule, isa lang ang panira sa sched ko.

our over-exaggerated english teacher from last year is back, tecahing us expository writing this time. pero ano ang tinuturo niya?? pronunciations, caveats, competences and things, that is not really related to writing.

oh well, professor siya, student lang ako, wala naman akong karapatan para sigawan siya at sawayin. pero kung pwede lang talaga, gagawin ko.
may mga bago na rin kaming pagpapahirap na gingawa na everyday namin inaalala.

the critical analysis for every chapter reported in our major subject.
and research for our history class.

meron na rin kaming requirements na kailangang gawin.
chapter report, linguistics caveats, memorizing html codes, and reading asian civilization.

anyway, kung MWF lang sana class ko, okay lang..

eh kaso, may TTH pa..

my TTH schedule, like today, is kinda fuun.

i have again my college algebra professor for our math of finance. our nat. sci. prof, is comic, but a bit "ngongo". our filipino professor is very open and a very good professor, and our christian ethics professor, is one to die for! he has this cute smile, that when you see it, you'll smile too.

and everytime na nakikita ko yung smile niya, lalo akong ginaganahang mag-philosophize. haha!

madali lang ang MoF, nakakatindig-balahibo ang recitation sa nat. sci., sobra kung magpagawa ng gawain ang filipino, at grabe sa pag-aanalyze ang christian ethics.

one thing that would make my first sem fun would be our nat. science trip to Subic! (can't wait!)

at sana, makasama ako.

eto pa ang catch, i am sensing that my extra-curricular activities would add up my haggardous week.

i was invited to join SDP (Student's Democratic Parliament), TOMWEB (tomasino web) as a writer, the Flame, Artistang Artlets, AB Volleyball team and Circulo Hispano.

unfortunately, i haven't uttered my "yes" to this organizations. my only current organization is AB Chorale.

actually, gusto ko talagang dagdagan, kaso, baka diko kayanin.

meron pa akong NSTP, and i chose LTS because:
- i wanna learn how to help people by giving them what they want to learn
- i wanna learn how to teach and to experience how teachers prepare their daily routines just like what they do for us.
and lastly
- feel that certain passion that they put on teaching that served as a drive to teach students, kahit na alam nilang magiging mahirap ito.

yeah, mahirap ang NSTP, pero kakayanin ko.

"masakit mang isipin, kailangan kong harapin ang mga hirap nito, gamitin lahat ng aking lakas at lagpasan ito. kung magawa ko man yun, magiging karunungan ko yun, dahil nakaya ko lahat ng pagpapahirap na inilagpak saking likod. nawa'y mapatnubayan ako ng kamay ng Diyos."


soo yea, my school, very hectic, very frustrating, very haggardous.


one word: TOXIC.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

Wednesday, July 2, 2008

may nakasabay akong taong ewan sa FX.

maaga akong pinauwi ng mga magulang ko.

kung kaya't maaga ako ngayon dito sa bahay.

anyway, pag umuuwi kasi ako, lagi akong sumakay ng bus, imbis na FX.

pero kanina, napilitan akong mag-FX dahil: umuulan, at mas mabilis akong makakarating ng bahay.

nang nakahanap na ako ng FX, sumakay na ako, pinasak ko yung loopset, at nakinig ng mp3.

nung nasa Banawe na kami, may pumara sa FX.

hindi ko alam kung pulubi, o taong grasa.

ewan ko ba, sumakay na siya ng FX.

tapos, kung anu-ano na ginagawa niya.

nagsasalita mag-isa, nagtanong.

tinanong niya ako, "SM Fairview ba to?"

i just nodded my head, kasi nga nakapasak yung loopset sa tenga ko..

tsaka nagbabasa ako ng Dapitan Folio.

anong nga palang itsura niya?

madungis na damit, maitim na balat..

mga kukong may mga pintu-pintura pa.

kakaiba din yung amoy niya.

pero, marunong xiang magbasa.

nabasa niya yung binasa ko kanina, at english yun.

medyo religious din siya, andami niyang ginagawa kanina na puro related sa "hari krishna" thing..

at eto pa. may pera xia, mas may pera pa xia sakin.

300 pesos. at 200 ang pinangbayad niya.

i was really quiet that time, kahit yung mga kasama ko..

eto siguro yung epekto pag alam mong deviance sila sa isang society.

kahit papaano, wala namang nangyari saking masama, at sa iba rin.

at kahit papaano, eh matino din xia.

mabait pa, gentleman. haha!

oh well, isang kakaibang experience.

hanggang sa muli, masugid na mambabasa. :)

~TAPOS~